Monday, November 21, 2005

....untitled

hay buhay na naman... sobrang miss ko na magsulat. tagal na rin talaga since last update ko. ang dami na naman ng nangyari. eto at bagong sem na naman. parang kakatapos lng ng sem break at eto, pasukan na naman. hay buhay talaga. can't believe lang sa mga grades ko. parang guilty konti kasi feeling ko i don't deserve the grades i got last sem. though yung iba ipagmamalaki ko talaga tulad ng geography at tourism. ok na rin. bakit pa ba ako magrereklamo. siguro this sem aayusin ko na talaga at paghihirapan ko ang mga grades ko. then yun. medyo good news kasi 2 pa lang ang absent ko (yata) sa isang subject lang. 1st period kasi na 8:30 am kaya palaging late. yun. pero so far perfect attendance pa ako sa rest ng subjects ko. ano pa bang nangyari... uhm... nag-metrocon. BELIEVE! kwento ko lang konti. kasi mga 2 days before nag-mtg kami and dapat nga mag-document lang ang trabaho ko nung metrocon. then mga sat around 4pm pinatawag ako ni ate joan tapos kinuha na niya yung vid cam. medyo nainis lang ako kasi parang wala na akong silbi dat time sa metrocon. then after nung 1st and 2nd session, i realized that it was just ok na wala na akong trabaho that time kasi dami ko na naman na-realize. sinabi naman samin nung mtg na kapag may session ay dapat makinig kami, pero iba pa rin yung wala kang ibang trabahong iniisip. dagdag pa yung video na yung ibang parts ay kami ni nalen at ni ace ang nag-shoot at yung isa pa na kasama si gerald. sobrang astig. nasama pa yung MU ni francis. he3ü. may 1pm.tuloy ko na lang siguro next time. GBü

Wednesday, October 5, 2005

still thinking...

...still have to memorize a speech for tom... pero ito... net na naman.he3. sakit na ng ulo ko. after this sugro tulog na ako.

i miss writing.... hay life... dami na talagang nangyari. hindi ko na nga lang siguro naisusulat kasi medyo nailalabas ko na rin sa ibang tao ang mga gusto kong sabihin.

ano na ba ang mga nangyari...

  • may nasaksak sa loob ng classroom namin - 1st time, medyo na trauma ng konti - napa-isip na lang bigla na lumipat ng school[ss111, class ni mam peralta/ ayaw ng frat]
  • nag teamhead/leader sa isang youth camp. 1st time rin. dami na naman realizations.[hindi ko alam!!!he3]
  • nakapag-usap na rin ang execom[i think ok na,sana... - fingers crossed]
  • UE planeta!!! - ang bagong tagline ng ue_yFc
  • matatapos na naman ang isang season ng uaap, nakapanood ng final 4 - at yun admu-dlsu game, talo pero kumanta na naman ako ng alma mater song, medyo malungkot [we stand on a hill, between the earth and sky... win or lose its the school we choose. this is the place where we belong. mary for you, for your white and blue, we pray you'll keep us mary constantly true, we pray you'll keep us mary faithful to you...game2 bukas ng feu-dlsu, for sure feu na yan, sorry chicco]
  • 1st time umiyak dahil sa pag-ibig [he3, didn't expect talaga. natakot lang siguro pero ok na ako, sana...]
  • etc [madami pa talaga, di ko lang maalala]

uhm... ok. actually still thinking bout the plans i have when i die. while in geo class yesterday, sir albino told us that we should be ready when we die. then i remembered an instance where i made plans when i die. i just wrote it all last night before i slept. i actually made some sort of a poem about life and i posted it in this blog and also in friendster.[just see the post before]then yun. after thinking all these things about what i have experience with my life, a friend suddenly told me about this worthless piece of life [parang ganun]. i then thought about it. oo nga no. life is worthless kasi suko na ako sa Kaniya. nakakainis nga e na while i was having my moment about what i thought about what i have experienced about life, then yun, biglang naiba ng konti. labo nga eh. siguro nga i'm easily influenced by the people around me pero di ba i still need to know what others think kasi for sure they have somthing new to share. labo nitong post na to. halo-halo.he3. ok lang naman kasi mukhang na-express ko naman ang gustong ko isulat/ sabihin. mukhang mahibing akong makakatulog nito.gising na lang siguro ako ng mga 6 or 7 am.kung pwede nga 4am tulad kanina. tinapos ko kasi yung GK video ni ghem.

hope to write again soon... siguro after na lang ng exams... tulog na muna, bukas na lang mag-memorize...

Tuesday, October 4, 2005

Hay Buhay...

hay buhay...

napakasarap, napakahirap
hindi nga lang tiyak, kung kailan ito kukunin.

may mga ilang, ayaw ng ituloy.
may mga ilang, gusto pang pahabain.

at sa lahat-lahat ng mga nangyari sa buhay kong ito...
masaya at kontento ako sa buhay kong ito.

walang dapat na panghinayangan pa,
walang dapat na pagsisisihan pa.

dahil ipinakita mo sa akin ang kahinaan ko,
dahil binuksan mo ang puso ko,
dahil tinanggap mo kung sino ako,
dahil binigyan mo ako ng pagkakataong magbago,
dahil lalo kitang nakilala,
dahil lalo kong nakilala ang sarili ko,
dahil ginabayan mo ako sa buhay kong ito.

Thursday, August 18, 2005

y?

i think its time for me to again write. ewan ko wala lang. para tipong nawalan na naman ako ng outlet bukod pa kay hannah. hay life. wala lang. eto na naman ako. magulo na naman. malabo na naman. mas ok pa rin ang blogger.wla lang. ano na ba nangyare lately... hay kakatapos lang ng megacamp. medyo may mga kakaibang nangyari lang. pero ok na ang lahat. naalala ko lang yung after every camp may realization ako sa sarili ko pero this time may realizations ulit ako pero hindi tungkol sa sarili kundi patungkol sa ibang tao. lam mo yung tipong u have learned to appreaciate them more. astig lang sobra. dami ko nakitang nag-grow last camp. basta astig lang.

change topic...
about two weeks ago wala lang. na-praning na tipo... gumawa ng sariling problema. yung tipong functional lang ang tingin sa akin ng mga tao. di ko alam kung bakit yun yung naramdaman ko. yung parang they only talk to you if they need something from you. yung tipong "friendly-user" na term namin nung highschool. at parang yung functional ko lang talaga ang napapansin.astig ako dahil sa functional "lang" na ginagawa ko. and last weeks prayer meeting lang... ewan ko.. made me realize naman talaga na lahat ng ginagawa ko ay para sa Kanya. nakalimutan ko lang.ang labo nga na after ng every prayer ko palagi kong sinasabi na "Lord, please always remind us that everything we do is for Your Greater Glory" nakalimutan ko lang talaga. napapagod lang siguro ako.lord give me strength. medyo ok na ako after ng week na yun. and this monday lang. labo ko talga.na-praning na naman at gumawa na naman ng sariling problema. hay buhay talaga. yung feeling ko na parang i meant to be alone. kasi pakiramdam ko palaging may nangiiwan sa akin sa ere. tapos ung feeling pa na walang nagdadasal para sa akin. dagdagan pa na naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ako ganito.. tahimik na hindi ma-express ang sarili. sabi nga ni hannah na maganda may journal ako na outlet ko pero di ba mas maganda na nasasabi mo verbally. naaasar lang ako sa sarili kung bakit ako ganito. alam ko naman na may masasabi ako pero bakit ganun. parang Lord pls help me understand, please help me find the reason, help me find my purpose.
eto ngayon medyo nakahinga. kay hannah ko p lang siguro nasasabi ng buo. Lord pls....

Thursday, July 28, 2005

isang taon na naman...

hay buhay... eto at ilang minuto na lang... hindi ko alam. labo ko talaga. hay life. bahala na bukas. di ko alam. hindi na rin ako makahingi ng extra sa magulang ko. sa lahat ng pagkakataon ngayon pa ako nahiya sa kanila. minsan nga nagagalit pa ako pag sa tingin ko kulang ang binigay sa aking pera. ewan ko nga bakit ganito ako ngayon. napaisip lang naman ako, sobra-sobra na nga naman ang binigay nila sa akin. actually dami nga ng nasayang e. yung mga ilang taon ko ring inilagi sa ateneo, parang nasayang lang talaga yung ginastos nila sa akin duon. tapos eto di ko pa siniseryoso ang pag-aaral ko. ang kapal na lang siguro talaga ng mukha ko. labo ko talaga. hindi naman ako dating ganito. actually wala na talaga akong mahihingi pa. gusto ko mang hingin na maging maayos na ang pamilya ko, alam ko naman at naniniwala ako magiging maayos ito. lalo na't nandyan pa Siya sa buhay ko ngayon, "there's nothing really more i want, there's nothing really more i need." wala na talaga dapat akong i-regret kasi sobra-sobra na talaga ang nangyari sa buhay ko ngayon. sobrang ang dami ko lang talagang dapat ipagpasalamat sa Kanya. wala na talagang dapat akong panghinayangan pa.
mj out --->

Thursday, July 14, 2005

Go and Sin No More

I've sinned, come on my knees, for I'm not worthy of your love

How could you die for me, such grace could only come from God

Oh Lord, you search and you know me, you see me inside out

God, you alone can forgive me, erase my fear and my doubt

Father you pick me up, I feel like a child in your arms

I don't deserve this love but I hear your voice Lord Jesus




"Go and sin no more"

He said, "I will not condemn you, I'll forgive"

"And I'll forget it all"

"Go and sin no more"

"My child let me remind you it is I who'll lead and guide you"




You are my purpose, you are the reason that I live

I want to be like you, help me to love and to forgive

God let me not be distracted, Lord help me focus on you

Keep sin from ruling my life, Lord, make me holy and pure

Father you pick me up, I feel like a child in your arms

I don't deserve this love, but I hear your voice Lord Jesus




"Go and sin no more"

He said, "I will not condemn you, I'll forgive"

"And I'll forget it all"

"Go and sin no more"

"My child let me remind you it is I who'll lead and guide you"




Wipe, wipe away

Take, take away

Break, break away

Fill my life, make it right

Father help me, Father help me to go




"Go and sin no more"

He said, "I will not condemn you, I'll forgive"

"And I'll forget it all"

"Go and sin no more"

"My child let me remind you it is I who'll lead and guide you"

Thursday, June 23, 2005

Click here to join ue_yfc
Click to join ue_yfc

Friday, June 17, 2005

untitled


I feel helpless
I feel useless
I feel unworthy
I feel ordinary.

Bakit ba ganito?
Ngayon pa’t gusto kong ibahagi ang problema ko,
Ngayon pa ako nawalan ng masasabihan.
Sawa na ako
Bakit ba palaging ganito?
Ngayon pa’t marami naman akong masasabihan,
Ngayon pa ako nawalan ng lakas
Hindi ko alam
Bakit ba ako palaging ganito?

Nandyan Ka naman
Bakit ba hindi ko naisip
Nandyan Ka naman
Bakit pa ako maghahanap ng iba
Nandyan Ka naman
Bakit pa ako mangangamba

10:26pm
6/17/05

Wednesday, June 15, 2005

eto na naman...

gumugulo ang mundo? hindi na siguro ngayon. kaunti na lang cguro.nag-iisip lang naman siguro. uhmm eto. kasisimula lang ng klase. nakakatuwa lang na nakita ko ulit ang mga tambay ng batibot.heheh. dami nila kahapon at mukhang dadami pa. may mga nakasuot nga ng soloDIOSbasta na shirt eh. medyo nangako na naman ako sa sarili ko na aayusin ko na ang pagaaral ko. ok naman GEOPOL, SpeechCom walang prof. WorldGEO nakakatuwa kasi si Sir Alvino ulit ung prof ko. yung malupet na prof ko sa Rizal last sem. ok nga e. mahigpit pero dami mo matututunan. nakakainis lang na hindi pumasok si blue. kasi naman e. then uwi. edit ng video. medyo hindi pa rin ako kuntento sa concept ng episode2. pero ok lang naman. gusto ko sana lagyan ng mga hirit kaya lang baka hndi katanggap-tanggap. pero... ok naman talaga. gusto ko pa ring part yung tambay moments ng episod1 at yung whole episode3 kahit na may drama ng kaunti. astig lang isipin na sa loob lamang ng isang taon ang dami na nang nangayari. ang lupet lang talaga na ang daming nagbago. hindi ko talaga akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. minsan nagtatanong-tanong kung ano ang ginagawa ko dito. ano kaya mangyayari sa akin kung hindi ko nakilala ang astig na mga taong ito. ang lupet lang talaga Niya.
sablay nga lang kagabi. actually since last sunday pa pala. hindi ko alam pero ... yung tipong walang kwentang away. at kagabi sablay lang talaga. Lord Sorry talaga pero bawi talaga ako sayo

Thursday, May 26, 2005

hay....gumugulo na naman ang mundo...

mukhang nagsisimula na namang gumulo ang mundo ko. ewan basta.... di ko alam kung bakit. nagsimula siguro pakauwi galing sa cavite. akala ko maliliwanagan na ako pagkatapos ko makausap si lery.. dagdag pa nang mkausap ko si jo at si ace last tuesday. pero eto na naman. na-struck lang ako sa sinabi ng nanay ko kagabi. nag-aaway na naman kasi sila tungkol sa pag-alis-alis ko. sabi ni nanay na bawas-bawasan ko naman daw yung extra activities ko. at eto, may feeling na parang gusto kong takasan ang yfc. hay. nakakatuwa lang isipin ang sinabi ni hannah na ang bilis ko daw mag-grow. pero... labo ko talaga. parang nagsasawa na ako. di ko alam. parang nawawalan na naman ako ng direksyon. nandyan pa ang "bakit ang iba... parang ok lang na hindi sumama?" ay ewan. kahit parang inaasahan nila akong umattend sa sat. ewan ko. mukhang hindi ako pupunta. di ko alam. basta. eto na naman ako na gustong mapag-isa... makapag-isip...maka-realize... at sana maging maayos. hay life talaga. kaya pa kaya. ewan. di ko talaga alam. kahit isipin ko lahat ng encouragement na maisip ko... parang tinatamad na ako. "sorry Lord... pero hindi ko talaga alam"

Monday, May 16, 2005

untitled

almost a week na rin pala since last update ko ng blog na 'to.

mmm. eto medyo masakit ang katawan at kumakalam na rin ang sikmura. pumasok kasi ako ng maaga thinking na maaga rin magstart yung consultation with an american about american studies. then nagantay ng may 1 hour siguro. then sa point na palabas na ako, saka naman dumating. then umabot nga til 12. at hindi na ako nakapag-lunch. so dumiretso naman ako sa en112 pero tagal ko rin naghantay at yun wala ring dumating na prof. so eto ako ngayon excel.

hay... kakapagod. sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. kagagaling lang sa isang youth camp sa bataan. nakakgulat lang ang sobrang dami ng participants. umabot sa 90 plus. sobra... first time. and yun na nga. i was suppose to give talk2 sa camp... pero nung on the way na kami ni jO sa sasakyan ng isang member, bigla na lang ako tinamaan ng matinding kaba. hanggang sa umabot na nga nag-backout na ako sa talk2. parang bigla na lang nawala lahat ng encouragement na nakuha ko sa mga kaibigan ko sa isang linggong paghahanda sa camp. di ko alam kung bakit. sinabi ko na lang kay jO na parang i need all the experiences i can get. and thinking na nung time pa na yun 80 plus na yung participants, gusto ko magsimula sa maliit lang. medyo nakapangako na nga lang sa kanya na mag-share ako sa talk niya at susunod na time na "i-tap" ako, payag na ako. hindi ko alam talaga. nung mga oras na yun nung gabi....may feeling na wala na akong silbi ko sa camp. parang gusto ko na nga umuwi. parang ayaw ko nang mag-camp ulit. parang ayaw ko nang mag-yfc.. kasi palagi na lang ganiyan ang nangyayari. lagi na lang ako tumatanggi. palagi na lang. ilang beses na ring nangyari yan. hiyang-hiya na talaga ako kay lery at lalong-lalo na sa Kanya. parang gusto ko muna mag-stop or pahinga muna sa activities sa yfc. makapag-isip.....to realize... to be better... ewan... di ko talaga alam. ayaw ko muna mag-isip. mdyo masakit pa ulo gawa ng biyahe kahapon.eto na lang muna siguro...

Friday, May 6, 2005

hindi ako pumasok...

e2... de2 na nman pod. yun na nga.. di ako pumasok... ng En112. at baka (mmm) hindi rin ako pumasok ng lit202... hay life... tamad na tamad n naman ako ngayong araw na ito. ewan. di ko rin alam. siguro dahil na rin sa init (sa sobra at napakatinding init). wala lang. kanina dapat i was suppose to wear something casual aside from my school uniform. then napaisip(isip na naman, palagi na lang isip... hay) ako na kung gusto ko talaga magtipid ako. sa pod na lang ako mag-iinternet kasi bawal ang hindi naka-uniform duon. sulitin ko na lang misc ko talaga. tapos medyo nagplano nga na hindi pumasok. at ito na nga.. dito ako pod. kagabi lang ang astig. inayos ko yung calendar na ginawa ko.. tapos sulat ng kung anu-ano mga names ng mga gusto ko maisama sa youth camp sa ue. tapos dasal lang pag2log. pinagdasal yung mga taong yun. sana lang...
eto wla lang... nangyari na naman nga kahapon. you know that feeling na you think you know what to do pero iba naman ang alam ng groupmates mo. wla lang. medyo hindi lang talaga ako effective sa group work lalo na kapag hindi mo gaano kakilala groupmates mo.(lalo na sa case ko na hindi ganoon sa akin kadali ang makihalubilo sa ibang tao.)wala lng.
then eto na naman. ibang topic na nman. naalala ko lang xanga ko. eto na nman ang feeling na dami mo ng na-invest na entries dun tapos d2 ako ngayon blogspot. dami ko na rin kasi talaga kwento dun. wla lang. ok lang. kaya lang naman ako nag-online journal kasi gusto ko lang naman yung tipong ilabas kung ano man ang nasa isip ko. medyo nahihirapan akong i-express ang sarili ko verbally so eto ang... what do you call this nga??? parang drain.. ma-express ko ang sarili ko through writing. though eto nga medyo nai-express ko na sarili ko verball, sa tulong at pakikinig na rin ng mga kaibigan sa yfc. eto ... i'mm still gonna keep this online-journal hanggang kaya ko pa magsulat.
change topic na naman. paano kaya ko ilagay ko dito yung mga free-writing compositions na ginawa ko. basta sulat lang ng sulat in english para medyo mahasa or something. sulat ng kung ano ang pumasok sa isip mo. wag mong intindihin ang grammar. kaya eto nga kinalabasan ng blog at xanga ko. halo-halo topics, ideas at kung ano pa man. yun lang.

Tuesday, May 3, 2005

sayang...

syang yung isang paragraph.hay life... mas malala naman yung nangyari sa akin dati na buong entry ang nawala. hay buhay....

mmm...

may isusulat dapat ako pero hindi ko alam kung ano... ok... dito ako POD ngayon... susulitin ko na lang ang misc sa tuition na binayad ko this summer. he3. cguro bout sa experience ko sa pag-serve sa isang youth camp sa isang community or pwede rin yung pagpunta namin sa Quiapo kahapon with my family or ... sa kung anong bagay na lang ang maisip kong isulat...dami ko pa nga sana isulat bout sa mga nakaraang linggo. mapa-ILC, holy week sa Pampanga kasama pa ang Bataan, ang StarCity..summer class ko.... hay buhay. talaga... eto medyo may lagnat at sobrang sipon. singhot ng singhot. nakaka irita na pero wla akong magagawa. eto na nman feeling writer na ang labo ng ideas na pinagsasabi. eto na lang iisipin ko. malabo man ang mga ideas ko, ok na rin at nailalabas ko.. yun na nga lang siguro.

yun... kahapon bumili na kami ng DVD player sa Quiapo. though iba yung brand nya na US made "daw" sabi nung may-ari ng tindahan, parang wala ring pinagkaiba sa fake na DVD players. pero simple lang siya at parang classic ang design na iisipin mo VHS player. ikot-ikot sa Quiapo. bago pa pala nag-ikot2x, siyempre daan muna Simbahan. wla lang. after nung camp sa Fairview, parang bumabalik prayertime ko. siguro yun na nga yung tipong dumami yung aalagaan at ipagdarasal ko. lalung-lalo na nga si Topher. kasi umalis siya after nung baptism at pumunta sa battle of the bands. pinayagan siya ni tita Mameng kasi sinundo naman siya ng parent ng isang participant kasama pa yung isang participant. kaya ok lang daw sabi ni tita Mameng. then next day came nga. si Ayah lang yung bumalik at hindi bumalik si Topher. may feeling ako na partly responsible ako sa nangyari kasi nga ako yung nag-faci sa kanya. siguro hindi siya nasiyahan or what sa mga ginagawa kaya yun, di na siya bumalik. then napaisip nga ako sa txt ni Aries na ginawa ko naman talaga ang lahat. and yung sinabi rin ni Lery na bata pa nga siguro..naalala ko lang tuloy yung nag closing kami ng 1 to 1 session namin... siya yung pinag-lead ko na prayer. medyo pinilit ko and yun nga pumayag din siya. ang astig lang ng prayer niya. bago pa siya nagstart nagtanong na siya kung paano sisimulan sabi ko kahit ano lang ang sabihin mo sa Kanya. then tulungan ko na lang daw sa sa pagtapos. yun na nga. hindi ko inasahan na hindi niya minadali at direct to the point na tulad ng palagi kong ginagawa. isa lang siguro yun sa mga highlights ng camp para sa akin. actually dami ko nga realizations... isa na siguro yung though magkaiba yung program or whatever you call it ng pinagsisilbihan namin, pare-pareho pa ring astig at lupet mag-serve. dati nga iniisip ko sa mga taga-community na palaging pampered at spoiled kasi palagi nandyan and couple coordinators di tulad ng sa campus. pero hindi rin pala basta-basta sa community. kita ko talaga hirap ni tita Mameng sa camp. isa pa nga yung medyo kinabahan na naman ako sa pag-conduct ng 1to1 session, at tingin pa ako ng tingin sa guide ko... sinabihan lang ako ni Lery na "nilalagay tayo ni God sa mga sitwasyon o mga lugar kung saan tayo mahina". yun.. napaisip nga ako. kasama si Karlo, Paolo at si Topher. Mahina talaga ako sa socializing ang gulat nga lang ako na dami ko ring nai-kwento sa mga bata at ganun din naman sila sa akin. dagdag na rin siguro ang realization na "always find the purpose, reason, meaning" ok eto na nga... nangyari na kinatatakutan ko.edit ko na lang siguro some other time. kaysa tuluyang mawala tong entry na 'to

Monday, April 25, 2005

inaantok na ako...

hindi ko naman talaga gusto ang makapagtrabhao sa malalaking kumpanya at magsuot ng long sleeves na may neck-tie at naka-slacks sa pagpasok sa araw-araw. pero minsan gusto ko rin ng trabaho na may malaking suweldo. sino ba naman ang hindi. gusto ko lang ang pumapasok sa trabaho ng naka-simpleng t-shirt at maong na pantalon, pero mas ok ang naka-short at tsinelas o sandals. dati pa naman, iniisip ko na makapag-trabaho sa isang Non-Government Organization. yung tipong social work talaga kaya nga Development Studies ang kinuha kong kurso nuon sa Ateneo. ang kaunti nga ng kumukuha ng kursong iyon. 19 nga lang kami sa block namin.siguro ay bago pa kasi ang kurso o kaya naman ay wala masyadong pera duon. pero karamihan rin naman sa mga blockmates ko nuon ay nagsabi na kailangan ang mga estudyanteng nagtapos sa kursong ito ng mga malalaking kumpanya. hindi ko alam kung bakit. basta ang alam ko, pagakatapos ko na kursong iyon, sa NGO ako magtratrabaho. pero, nakakalungkot mang isipin, hindi ko na matatapos ang kursong gusto ko dahil pinatalsik na ako sa hindi mag-abot sa required average. ok lang naman. hindi ko rin naman inisip na sa Ateneo ako mag-aaral ng college kasi hindi ako pumasa sa entrance test at ang alam ko ay UST ang tuloy ko kasi dun lang ang eskwelahang pinasa ko. naka-enroll na nga ako at may school at pe uniform pa. Asian Studies dapat ang course ko. inisip ko naman na makapagtrabaho ako sa ibang bansa sa kursong iyon. mas maganda nga kung makapgtrabaho sa japan. yun na nga. history happened. natanggap ang appeal ko sa Ateneo. Ngayon naman, hindi ko inaasahang sa UE ako mapupunta. basta ang alam ko, one hot summer day, pumunta kami ng nanay ko sa u-belt para maghanap ng lilipatan ko sakay ng bagung-bagong LRT2. UST ang una kaya nga lang, hindi sila tumatanggap ng transferee. FEU sana kaya lang hindi nila i-ke-credit ang mga units na nakuha ko na. Beda? may required average sa pag-transfer and too bad hindi umabot ang sa akin. CEU o Baste kaya? duon ako sana kaya lang dumiretso kami ng nanay ko sa UE. May kakilala kasi siya duon. Sociology dapat ang kursong kukunin ko kaya lang na-dissolve na daw ang course na yun kaunti lang ang kumukuha. *paano kaya kung may socio nuon at socio nga ang kinuha ko. sigurado ako na si mam peralta ang prof ko sa karamihan ng majors ko. (ok lang naman siyang prof kaya lang hindi ko kaya ang dalawang oras ng klase niya na napakadaming pinapagawa basta mas handa na ako sa susunod naming pagkikita.)and yun na nga. international studies na nga ang kinuha ko. international studies? ok lang. medyo related naman sa asian studies kaya nga alng mas broad or general. ok ‘tong course na ‘to. medyo interesado at gusto ko ang geography at ang nagpapahula dati ng mga kabisera ng mga bansa sa mundo. mahilig rin naman ako sa international news and gusto ko rin malaman ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas. Gusto ko rin naman matuto ng iba pang foreign language. medyo may alam na rin kasi sa French kasi French club ang org ko noong Grade 7. so why not? ok na sa akin ang international studies. ano na ngayon ang trabahong naghihintay sa akin kapag natapos ko ang kursong ito. sana sa ibang bansa. sa mga embahada ng Pilipinas abroad? maging ambassador? bakit naman hinde? hindi naman masama ang mangarap. sa United Nations kaya.. big time! eto na lang tutal libre naman ang mangarap. so makapagtrabaho sa United Nations bilang Secretary General. isang beses nga ay nakakwentuhan ko si jake beltran na presidente ng ISSO (internation studies student society) nalaman ko na gusto rin pala niyang makapgtrabaho sa UN. astig lang ang nasabi ko. nakwento rin niya ang tungkol kay kathryn (kung hindi ako nagkakamali ay siya ang unang IS na estudyante na nakilala ko) na hindi pa nga lang nakaka-graduate ay hinihintay na ng Lufthansa (national air carrier ng Germany. astig) mukhang nga malayo ang mararating ko sa kursong ito. naalala ko naman dati na naisipan ko ring maging seaman kasi sabi nila, puwede mong malibot ang mundo ng libre kapag nag-seaman ka. pero itong IS, ayos din. makakapangibang bayan din. then ngayon na nga, may kasama ako sa YFC, si joan, na tinutukso na mag-fulltime worker na lang daw ngayong nakapag-tapos na siya. at ito namang si bernard binaling minsan sa akin ang tukso na ako rin daw ay magiging fulltime worker. napaisip ako. ayos lang naman. parang volunteer work or social work sa isang NGO na gusto ko dati pa dagdagan pa ng service mo na rin kay God. astig lang. makapag-mission sa iba’t-ibang lugar. though hindi pa naman talaga buo ang plano ko sa hinaharap, isa nga sa mga opsyon ko ang maging fulltime worker. SEND ME. isa sa mga vision ngayon ng YFC na makapagtatag pa ng YFC sa ibang bansa. pwede nga siguro. bilang IS student dagdag pa ang mag-evangelize sa iba pang bansa. bakit hindi? malay natin. bahala na. basta bahala na Siya. Your will be done Lord, Your will be done Lord. sa kasalukuyan, sa edad kong 20, naiisip-isip ko na rin ang makapag-hanap ng sariling trabaho. medyo… hindi pala medyo…basta nahihiya na rin ako sa mga magulang ko sa pag-gastos nila sa dami ng taon inilaan ko sa pag-aaral. para maka-luwag-luwag rin kahit kaunti. hindi ko rin naman inaasahan na makaka-graduate ako sa 2007 dahil napa-isip na rin ako sa sinabi ni Peeh na wag ko madaliin ang pag-aaral ko. siugro yun na nga, magtrabaho habang nag-aaral at kahit tumagal pa ang pag-aaral basta may ginagawa akong extra sa pag-tratrabaho. tipong dagdag luho. eto nga sa april 28-30, 2005 ay may gagawing job fair sa megamall. gusto ko sana subukan kung pwede o meron. hindi naman siguro sa nagyayabang…pero sa tingin ko mas angat pa rin ako kaysa sa ibang mga bagong graduate kahit na undergrad pa ako dahil na rin sa 13 yrs na edukasyon na nakuha ko mula sa Ateneo. sana nga makatulong. tingnan na lang natin.

and I would give the world to tell Your story,
cause I know that You’ve called me, I know that You’ve called me

Tuesday, April 19, 2005

waaaah dami na nangyari..........

long time no write.....

ang dami nang nangyari. hinde ko alam kung paano sisimulan. sobrang dami na talaga. magmula nung holy week na pumunta ako ng pampanga at napunta pa ng bataan. tapos within a week, halos araw-araw wala sa bahay. tapos lat week lang galing ng subic dahil sa ilc. then nung pag-uwi galing sa ilc dumaan sa angeles at kumain ng sobrang sarap na sisig. sobra.... at eto ako ngayon nag-summer class. at mukhang itutuloy ko na ang pag-drop sa SO203... kasi...dami ko rin natutunan nang bumili kami ng digicam. astig...may kasamang installer ng pang-edit ng video. yun medyo amy alam na rin. gumawa nga actually ng video montage para kay bernard. astig ...parang hindi ako masyado marunong mag-type.hehehe. wla lang... labo talaga.

eto na lang link ng online photo album
http://pg.photos.yahoo.com/ph/jglaz_184/my_photos

Thursday, March 17, 2005

procrastination...

salitang nakadikit na siguro sa akin...
hay life... eto ngayon naghahabol ng project sa stat. ganito naman ako palagi. palagi na lang. hindi ko alam kung bakit hindi na ako natuto. naalala ko minsan na sinabi ko na "i work best kapag nagmamadali ako." yun. wla lang. kahapon pala... medyo nag-defense ako bout sa project ko sa pol thought. nandun na naman ang paghihintay na laging nagpapakaba sa akin. ang astig lang nasabi ko kay ma'am yung gusto kong sabihin na tipong natuwa naman siya. alam mo yun. astig nga e. "dagdag ko lang po mam na kaya po siguro karamihan sa mga bayani ng mga bansa sa south america ay pare-pareho ay dahil na rin sa ang mga bansa sa south america ay magkakatulad rin ng sitwasyon na sila ay sumailalim sa pananakop ng mga Kastila." gusto ko rin sanang idagdag na tulad rin nga ng nasbi ni rizal sa mga pilipino nuon na pare-pareho naman ang katayuan at sitwasyon ng mga Pilipino na ginigipit ng mga Kastila, bakit hindi na lang sila magtulungan.yun
tapos nga pala...yung telepono ko. ok na naman. siguro sinusubukan lang din ako.hay life. sige tapusin ko na muna project ko. hanggang sa susunod n lang po.

Wednesday, March 16, 2005


...

blogger

3rd year quad papuntang covered courts. miss ko na hs.

na paranoid ako....

heheh. ok na naman. sama ko talaga. nangbintang pa ako. sama ko talaga. normal na rin naman siguro kapag nawalan ka ay mangbibintang ka kaagad. yun... then eto nga nalaman ko na lang na nasa kasuluk-sulukan ng bag ko yung telepono ko. and eto net muna. feeling ko dami ko ginagawa ngayon. sigruo matatapos na kasi ang sem. yun

Tuesday, March 15, 2005

stat111 links

Sunday, March 13, 2005

picture taken by emil's father after the baccalaureate mass on march 26, 2003

...

he3. wla na naman title tong entry na to. wla lang kasi nasubukan ko na rin maglagay ng pics. he3. astig lang.mej naghahabol ngayon ng paper for pol thought project. hay life...sarap mag-worship kanina sa kasangga sa starmall. ayos nga e. then pagkauwi kasama ko si Hannah and Bernard at dito sila kumain sa bahay. til next time na lang antok na rin ako. ciao

group discussion with leo, nichy and jeff

talk 5

bago pa rin umalis sa kubling

sept camp pic... bago umalis

ue yfc

Saturday, March 12, 2005

... > coke girl

hay life... uhmmmmm. medyo ok lang ang friday overnight kila joeric. he3 natulog lang ako. pero astig lang tagal na ako hindi nakakatulog sa kahoy na sahig. ang astig lang. pagkagising ko dami nilang kwento about sa nangyari nung gising pa sila.basta nakakatawa. then uwi ng bout 8am. nakarating sa bahay bout 9:30am. supposedly may pupuntahan akong interview kasama mga kaibigan ko. but unfortunately... hindi na natuloy kasi nagplano lumabas ang mga tao dito sa bahay.basta yung matagal ng plano... then umuwi na nga ng about 5pm. then eto net sa bahay...

wla lang... kanina nakita ko sa bag ng nanay ko latest issue ng Guidon. then hinanap ko kaagad kung may article si lionel. then nakita ko meron nga. and yung article nya bout sa "coke girl" na si nikki gil. 1st year Meco sa ateneo yung girl. astig lang at si lionel ang nag-interview.astig... proud talaga ako kay lionel.

Friday, March 11, 2005

...

mmm. ok. mukhang may masisira sa araw ko ngayon. i think i'm not going to attend polsci class today kasi.... excuses talga. pero valid naman excuse ko. may final exams pa kami sa table tennis later. and... di ko pa tapos yung mga letter para sa mga ka-household ko. mmm. ok. pero kanina ayos pa naman pol thought and humanities ko. baka nga ma-perfect ko pa final quiz namin e. yun. ah... basta sa susunod na lang siguro ulit.

blogger > xanga > my day > love life??? > life...

not sure kung tutuloy ko ba yung sa blogger.com baka magtampo si xanga.he3. mas pwede mo kasing i-personalize yung sa blogger.pero matrabaho nga lang. uhmm. whats happening lately. ah. daming ginagawa pero sanay na rin sa pressure. actually mahaba ang araw ko ngayon. ayos lang di natuloy ang quiz kanina sa ns102.di ko nga alam kung ano ang nakain ng prof. and later... john locke sa pol thought. buti na lang na-print ko na yung para sa project ko. and at 1pm humanities quiz. at 3pm not sure bout polsci kasi di ako pumasok last wednesday. and lastly at 4pm, finals exam sa pe na table tennis. after nf pe may household kami. may letter png kailangan. eto nga tinatapos ko ngayon. so far so good para sa araw ko ngayon parang everything i have planned is going its way. sana tuloy tuloy lang. may overnight pala kami later kila joeric. wla lang. na-elect kasi na vp for documentation. yun. hay life. love life? uhmmm. ewan. basta. parang gusto na ayaw ko muna. labo ko talaga.... kasi naman... mmm. yun... siguro next time na lang ulit kasi... tinatapos ko pa nga yung laer para sa mga ka-household ko. cge til next time na lang.

Tuesday, March 8, 2005

...

ewan ko. basta bad trip na naman ako kahapon... kasi naman ... basta sa tuwing nakikita o tumatawag siya sa akin... parang sumisikip ang dibdib ko. basta. di naman talaga big deal sa akin pero... un na nga

Monday, March 7, 2005

astig

wala lang. kasi naastigan lang ako sa blogger. ewan ko. subukan ko lang muna pero tingnan ko kung tatagal ako.