mmm...
may isusulat dapat ako pero hindi ko alam kung ano... ok... dito ako POD ngayon... susulitin ko na lang ang misc sa tuition na binayad ko this summer. he3. cguro bout sa experience ko sa pag-serve sa isang youth camp sa isang community or pwede rin yung pagpunta namin sa Quiapo kahapon with my family or ... sa kung anong bagay na lang ang maisip kong isulat...dami ko pa nga sana isulat bout sa mga nakaraang linggo. mapa-ILC, holy week sa Pampanga kasama pa ang Bataan, ang StarCity..summer class ko.... hay buhay. talaga... eto medyo may lagnat at sobrang sipon. singhot ng singhot. nakaka irita na pero wla akong magagawa. eto na nman feeling writer na ang labo ng ideas na pinagsasabi. eto na lang iisipin ko. malabo man ang mga ideas ko, ok na rin at nailalabas ko.. yun na nga lang siguro.
yun... kahapon bumili na kami ng DVD player sa Quiapo. though iba yung brand nya na US made "daw" sabi nung may-ari ng tindahan, parang wala ring pinagkaiba sa fake na DVD players. pero simple lang siya at parang classic ang design na iisipin mo VHS player. ikot-ikot sa Quiapo. bago pa pala nag-ikot2x, siyempre daan muna Simbahan. wla lang. after nung camp sa Fairview, parang bumabalik prayertime ko. siguro yun na nga yung tipong dumami yung aalagaan at ipagdarasal ko. lalung-lalo na nga si Topher. kasi umalis siya after nung baptism at pumunta sa battle of the bands. pinayagan siya ni tita Mameng kasi sinundo naman siya ng parent ng isang participant kasama pa yung isang participant. kaya ok lang daw sabi ni tita Mameng. then next day came nga. si Ayah lang yung bumalik at hindi bumalik si Topher. may feeling ako na partly responsible ako sa nangyari kasi nga ako yung nag-faci sa kanya. siguro hindi siya nasiyahan or what sa mga ginagawa kaya yun, di na siya bumalik. then napaisip nga ako sa txt ni Aries na ginawa ko naman talaga ang lahat. and yung sinabi rin ni Lery na bata pa nga siguro..naalala ko lang tuloy yung nag closing kami ng 1 to 1 session namin... siya yung pinag-lead ko na prayer. medyo pinilit ko and yun nga pumayag din siya. ang astig lang ng prayer niya. bago pa siya nagstart nagtanong na siya kung paano sisimulan sabi ko kahit ano lang ang sabihin mo sa Kanya. then tulungan ko na lang daw sa sa pagtapos. yun na nga. hindi ko inasahan na hindi niya minadali at direct to the point na tulad ng palagi kong ginagawa. isa lang siguro yun sa mga highlights ng camp para sa akin. actually dami ko nga realizations... isa na siguro yung though magkaiba yung program or whatever you call it ng pinagsisilbihan namin, pare-pareho pa ring astig at lupet mag-serve. dati nga iniisip ko sa mga taga-community na palaging pampered at spoiled kasi palagi nandyan and couple coordinators di tulad ng sa campus. pero hindi rin pala basta-basta sa community. kita ko talaga hirap ni tita Mameng sa camp. isa pa nga yung medyo kinabahan na naman ako sa pag-conduct ng 1to1 session, at tingin pa ako ng tingin sa guide ko... sinabihan lang ako ni Lery na "nilalagay tayo ni God sa mga sitwasyon o mga lugar kung saan tayo mahina". yun.. napaisip nga ako. kasama si Karlo, Paolo at si Topher. Mahina talaga ako sa socializing ang gulat nga lang ako na dami ko ring nai-kwento sa mga bata at ganun din naman sila sa akin. dagdag na rin siguro ang realization na "always find the purpose, reason, meaning" ok eto na nga... nangyari na kinatatakutan ko.edit ko na lang siguro some other time. kaysa tuluyang mawala tong entry na 'to