isang taon na naman...
hay buhay... eto at ilang minuto na lang... hindi ko alam. labo ko talaga. hay life. bahala na bukas. di ko alam. hindi na rin ako makahingi ng extra sa magulang ko. sa lahat ng pagkakataon ngayon pa ako nahiya sa kanila. minsan nga nagagalit pa ako pag sa tingin ko kulang ang binigay sa aking pera. ewan ko nga bakit ganito ako ngayon. napaisip lang naman ako, sobra-sobra na nga naman ang binigay nila sa akin. actually dami nga ng nasayang e. yung mga ilang taon ko ring inilagi sa ateneo, parang nasayang lang talaga yung ginastos nila sa akin duon. tapos eto di ko pa siniseryoso ang pag-aaral ko. ang kapal na lang siguro talaga ng mukha ko. labo ko talaga. hindi naman ako dating ganito. actually wala na talaga akong mahihingi pa. gusto ko mang hingin na maging maayos na ang pamilya ko, alam ko naman at naniniwala ako magiging maayos ito. lalo na't nandyan pa Siya sa buhay ko ngayon, "there's nothing really more i want, there's nothing really more i need." wala na talaga dapat akong i-regret kasi sobra-sobra na talaga ang nangyari sa buhay ko ngayon. sobrang ang dami ko lang talagang dapat ipagpasalamat sa Kanya. wala na talagang dapat akong panghinayangan pa.
mj out --->