Thursday, March 17, 2005

procrastination...

salitang nakadikit na siguro sa akin...
hay life... eto ngayon naghahabol ng project sa stat. ganito naman ako palagi. palagi na lang. hindi ko alam kung bakit hindi na ako natuto. naalala ko minsan na sinabi ko na "i work best kapag nagmamadali ako." yun. wla lang. kahapon pala... medyo nag-defense ako bout sa project ko sa pol thought. nandun na naman ang paghihintay na laging nagpapakaba sa akin. ang astig lang nasabi ko kay ma'am yung gusto kong sabihin na tipong natuwa naman siya. alam mo yun. astig nga e. "dagdag ko lang po mam na kaya po siguro karamihan sa mga bayani ng mga bansa sa south america ay pare-pareho ay dahil na rin sa ang mga bansa sa south america ay magkakatulad rin ng sitwasyon na sila ay sumailalim sa pananakop ng mga Kastila." gusto ko rin sanang idagdag na tulad rin nga ng nasbi ni rizal sa mga pilipino nuon na pare-pareho naman ang katayuan at sitwasyon ng mga Pilipino na ginigipit ng mga Kastila, bakit hindi na lang sila magtulungan.yun
tapos nga pala...yung telepono ko. ok na naman. siguro sinusubukan lang din ako.hay life. sige tapusin ko na muna project ko. hanggang sa susunod n lang po.