Saturday, February 14, 2009

Analog is Cool!

Naalala ko lang kahapon na may sale pala sa Cubao Expo today ng mga analog photography stuff. Kaya kinulit ko kapatid ko kung saan sa multiply niya nakita yun at nakita ko din. Eto na siguro ang opportunity na hinahantay ko para makabili ng expired films for my fisheye and my sister's vivitar. Kaya kanina maaga ako nagising at pumunta ng Cubao Expo and I met the man behind vedicnation.multiply.com, si kuya mike. daming old school photography stuff. At nakita ko din ang hinahanap kong expired films. At sa dahil sa excitement ko, napabili ako ng walo. hehe. sorry sa mga naubusan ko. Dinagdag ko pa ang isang disposable water proof camera. Kaya eto, kumpleto na ang araw. Excited na para bukas sa Hot Air Balloon Fiesta! 


I also got a small camera that squirts water. Tatlo na sa pamilya ko ang nabibiktima ko. hehe