Wednesday, December 30, 2009
Tuesday, August 4, 2009
Salamat at Paalam Tita Cory
Dalawang araw na ang nakakalipas nang sumakabilang buhay na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino. May lampas isang taon niyang nilabanan ang sakit na colon cancer bago siya magapi nito noong Sabado ng madaling araw, Agosto 1, taong 2009. Totoo nga ang kasabihang natututuhan mo lang lalong pahalagahan ang isang tao kapag wala na ito. Nakilala ko lang si Presidente Aquino bilang lola ng dating kong kaklaseng si Jiggy (panganay na apo ni Cory). Sinasabing siya ang nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas nang siya ang maging Presidente mula sa ating mga guro’t mga aklat. At sa lahat ng pagpaparangal at pagkilala sa kanya sa mga programa sa telebisyon noong mga nakaraang araw, lalo kong naintindihan ang kahalagahan ng isang Cory Aquino sa bansang Pilipinas.
Siya ang tumayo at lumaban sa diktaturya. Isipin mo na lang kung ano ang mangyayari kung hindi sya tumakbo bilang presidente laban kay Marcos. At pagkatapos nyang maluklok bilang pangulo, nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan at gawin ang mga gusto niyang gawin dahil sa kasalukuyan noong 1973 Constitution ngunit sinimulan na niyang baguhin ang Konstitusyon ng Pilipinas na gamit natin hanggang ngayon. At nang magtatapos ang termino niya noong 1992, malugod siyang bumaba sa pagka-pangulo sa kabila ng pag-uudyok ng ilan na tumakbo ulit dahil naluklok naman siya sa pagka-pangulo dahil sa People Power Revolution. Dalawa ito sa konkretong bagay na nalaman ko noong mga nakaraang araw na nagpatunay kung bakit siya kinikilala bilang Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.
Salamat at Paalam Tita Cory.
0 comments Labels: Cory Aquino, Thoughts
Thursday, July 23, 2009
Gusto ko makakita ng dagat
Namimiss ko na ang dagat. Impluwensiya mula sa isang kaibigang naka-chat ko kanina. Gusto ko ulit makakita ng dagat. May pagkakataon sana ako may isang buwan na ang nakakaraan kaya lang hindi natuloy. At parang hindi na rin ako makapaghintay pa sa September kapag umuwi kami ng Iloilo. Gusto ko lang marinig ang alon at maramdaman ang hangin habang nagpapahinga sa isang duyang nakasabit sa dalawang puno ng niyog sa tabing dagat.
0 comments Labels: Thoughts
Thursday, March 5, 2009
Gusto mo na ayaw mo.
Alam mo kung ano ang gusto mo.
0 comments Labels: Thoughts
Monday, February 9, 2009
cool!

0 comments Labels: Thoughts
Wednesday, January 28, 2009
Hayskul.
it really is good to meet old friends! saya! hehe. i met old hs friends gerald, daryl and lionel just this night. ngayon lang namin nagawa after hs because naging busy rin with new sets of friends. lalong naging madalang when i transferred to UE. kaya ayun. hay saya! then ate at kenny roger's. (gerald's treat) saya maalala ang mga hs memories. habulan sa lib. ang mapag initan ng teacher sa kasalanang di mo naman nagawa. m2003. batch mates. cat. teachers. then lionel asked me ano ang best memories ko ng HS. bigla lang pumasok sa isip ko yung small space sa edge ng track oval overlooking marikina. haay. kakamiss. ayun. then nilabas na ni daryl ang cake dahil 2 days ago, birthday ni gerald. then out of the blue we decided to go to Ateneo. we were hesitant kasi strict na daw ang guards ngayon and will really look for an Ateneo ID. buti na lang pagpasok namin walang guard na nagbabantay. then we started walking from gate2 going towards the old Comm Dept building (which also used to be the Institute of Philippine Culture building before it was Comm Dept). reminisce si daryl. hehe. then walked towards college. whoah. can't remember the last time i was there. a lot has changed. sobrang nag-improve. parang nung grade school, after graduating from GS, sobrang dami ring nagbago. pati nung HS. then we walked the paths behind Dela Costa, JGSOM and CTC (naalala pa konti) going towards gate2 pedestrian overpass. saya lang. hehe. hope makasama ulit ako sa kanila on Thursday for the last time before Daryl goes back to Canada. hay. Hayskul
Labels: Thoughts
