Wednesday, March 4, 2009

Minsan, Madalas

Minsan, may mga pagkakataong inaaya ka, di mo gustong sumama pero sumasama ka pa rin.
Bakit? Kasi naiinitindihan mo ang pinagdadaanan ng nagaaya sayo. Napagdaanan mo na yan. Na madalas, alam mo na yan, pero bakit ka pa rin pumupunta? Dahil madalas, mas nangunguna ang pagpapakumbaba at ang pakikinig. Dahil alam mong sa pakikinig mo, siguradong may gusto siyang sabihin sayo.

Hay.

minsan gusto, madalas ayaw.
minsan magulo, madalas malabo.