Food trip sa Lepanto
Habang nanunood ng balita noong nakaraang gabi sa tv tungkol sa isa na namang side-walk clearing operation ng MMDA sa U-belt, bigla kong nasambit, “huh, si ate yun na bilihan namin dati ng cheeseburger with bacon and egg”. Kaawa-awa ang mukha niya habang pinipigilan ang mga tauhan ng MMDA na kunin ang mga gamit at paninda niya. Nalungkot at naawa ako na makitang itinataboy dati mong bilihan ng pagkain. Biglang bumalik ang mga alaala ko sa kalye ng Lepanto na R. Papa na ngayon. Nandyan sa Lepanto ang bilihan ng pinakamasarap na turon na natikan ko na nakatayo sa pagitan ng FEU Gym at PSBA, si manong ng bilihan ng manggang hilaw at wala kaming pakialam kahit pumasok na amoy bagoong, bread pan at yema sa paseo, fried siomai with rice, kwek-kwek, kikiam, fishball, squidball, footlong, sago, gulaman, melon, buko at siyempre ang kalamares. Ngayong wala na ang mga dati kong bilihan ng pagkain kapag may break ako, ano na kaya ang itsura ng Lepanto?
1 comments :
nagutom naman ako bigla sa mga binanggit mong pagkain...
anyway, kakaawa nga cla kc ang hirap ng sitwasyon nila.ang tanging gusto lng nmn nila ay kumita sa matinong praan.tsk,tsk..
Post a Comment