Thursday, May 26, 2005

hay....gumugulo na naman ang mundo...

mukhang nagsisimula na namang gumulo ang mundo ko. ewan basta.... di ko alam kung bakit. nagsimula siguro pakauwi galing sa cavite. akala ko maliliwanagan na ako pagkatapos ko makausap si lery.. dagdag pa nang mkausap ko si jo at si ace last tuesday. pero eto na naman. na-struck lang ako sa sinabi ng nanay ko kagabi. nag-aaway na naman kasi sila tungkol sa pag-alis-alis ko. sabi ni nanay na bawas-bawasan ko naman daw yung extra activities ko. at eto, may feeling na parang gusto kong takasan ang yfc. hay. nakakatuwa lang isipin ang sinabi ni hannah na ang bilis ko daw mag-grow. pero... labo ko talaga. parang nagsasawa na ako. di ko alam. parang nawawalan na naman ako ng direksyon. nandyan pa ang "bakit ang iba... parang ok lang na hindi sumama?" ay ewan. kahit parang inaasahan nila akong umattend sa sat. ewan ko. mukhang hindi ako pupunta. di ko alam. basta. eto na naman ako na gustong mapag-isa... makapag-isip...maka-realize... at sana maging maayos. hay life talaga. kaya pa kaya. ewan. di ko talaga alam. kahit isipin ko lahat ng encouragement na maisip ko... parang tinatamad na ako. "sorry Lord... pero hindi ko talaga alam"

Monday, May 16, 2005

untitled

almost a week na rin pala since last update ko ng blog na 'to.

mmm. eto medyo masakit ang katawan at kumakalam na rin ang sikmura. pumasok kasi ako ng maaga thinking na maaga rin magstart yung consultation with an american about american studies. then nagantay ng may 1 hour siguro. then sa point na palabas na ako, saka naman dumating. then umabot nga til 12. at hindi na ako nakapag-lunch. so dumiretso naman ako sa en112 pero tagal ko rin naghantay at yun wala ring dumating na prof. so eto ako ngayon excel.

hay... kakapagod. sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. kagagaling lang sa isang youth camp sa bataan. nakakgulat lang ang sobrang dami ng participants. umabot sa 90 plus. sobra... first time. and yun na nga. i was suppose to give talk2 sa camp... pero nung on the way na kami ni jO sa sasakyan ng isang member, bigla na lang ako tinamaan ng matinding kaba. hanggang sa umabot na nga nag-backout na ako sa talk2. parang bigla na lang nawala lahat ng encouragement na nakuha ko sa mga kaibigan ko sa isang linggong paghahanda sa camp. di ko alam kung bakit. sinabi ko na lang kay jO na parang i need all the experiences i can get. and thinking na nung time pa na yun 80 plus na yung participants, gusto ko magsimula sa maliit lang. medyo nakapangako na nga lang sa kanya na mag-share ako sa talk niya at susunod na time na "i-tap" ako, payag na ako. hindi ko alam talaga. nung mga oras na yun nung gabi....may feeling na wala na akong silbi ko sa camp. parang gusto ko na nga umuwi. parang ayaw ko nang mag-camp ulit. parang ayaw ko nang mag-yfc.. kasi palagi na lang ganiyan ang nangyayari. lagi na lang ako tumatanggi. palagi na lang. ilang beses na ring nangyari yan. hiyang-hiya na talaga ako kay lery at lalong-lalo na sa Kanya. parang gusto ko muna mag-stop or pahinga muna sa activities sa yfc. makapag-isip.....to realize... to be better... ewan... di ko talaga alam. ayaw ko muna mag-isip. mdyo masakit pa ulo gawa ng biyahe kahapon.eto na lang muna siguro...

Friday, May 6, 2005

hindi ako pumasok...

e2... de2 na nman pod. yun na nga.. di ako pumasok... ng En112. at baka (mmm) hindi rin ako pumasok ng lit202... hay life... tamad na tamad n naman ako ngayong araw na ito. ewan. di ko rin alam. siguro dahil na rin sa init (sa sobra at napakatinding init). wala lang. kanina dapat i was suppose to wear something casual aside from my school uniform. then napaisip(isip na naman, palagi na lang isip... hay) ako na kung gusto ko talaga magtipid ako. sa pod na lang ako mag-iinternet kasi bawal ang hindi naka-uniform duon. sulitin ko na lang misc ko talaga. tapos medyo nagplano nga na hindi pumasok. at ito na nga.. dito ako pod. kagabi lang ang astig. inayos ko yung calendar na ginawa ko.. tapos sulat ng kung anu-ano mga names ng mga gusto ko maisama sa youth camp sa ue. tapos dasal lang pag2log. pinagdasal yung mga taong yun. sana lang...
eto wla lang... nangyari na naman nga kahapon. you know that feeling na you think you know what to do pero iba naman ang alam ng groupmates mo. wla lang. medyo hindi lang talaga ako effective sa group work lalo na kapag hindi mo gaano kakilala groupmates mo.(lalo na sa case ko na hindi ganoon sa akin kadali ang makihalubilo sa ibang tao.)wala lng.
then eto na naman. ibang topic na nman. naalala ko lang xanga ko. eto na nman ang feeling na dami mo ng na-invest na entries dun tapos d2 ako ngayon blogspot. dami ko na rin kasi talaga kwento dun. wla lang. ok lang. kaya lang naman ako nag-online journal kasi gusto ko lang naman yung tipong ilabas kung ano man ang nasa isip ko. medyo nahihirapan akong i-express ang sarili ko verbally so eto ang... what do you call this nga??? parang drain.. ma-express ko ang sarili ko through writing. though eto nga medyo nai-express ko na sarili ko verball, sa tulong at pakikinig na rin ng mga kaibigan sa yfc. eto ... i'mm still gonna keep this online-journal hanggang kaya ko pa magsulat.
change topic na naman. paano kaya ko ilagay ko dito yung mga free-writing compositions na ginawa ko. basta sulat lang ng sulat in english para medyo mahasa or something. sulat ng kung ano ang pumasok sa isip mo. wag mong intindihin ang grammar. kaya eto nga kinalabasan ng blog at xanga ko. halo-halo topics, ideas at kung ano pa man. yun lang.

Tuesday, May 3, 2005

sayang...

syang yung isang paragraph.hay life... mas malala naman yung nangyari sa akin dati na buong entry ang nawala. hay buhay....

mmm...

may isusulat dapat ako pero hindi ko alam kung ano... ok... dito ako POD ngayon... susulitin ko na lang ang misc sa tuition na binayad ko this summer. he3. cguro bout sa experience ko sa pag-serve sa isang youth camp sa isang community or pwede rin yung pagpunta namin sa Quiapo kahapon with my family or ... sa kung anong bagay na lang ang maisip kong isulat...dami ko pa nga sana isulat bout sa mga nakaraang linggo. mapa-ILC, holy week sa Pampanga kasama pa ang Bataan, ang StarCity..summer class ko.... hay buhay. talaga... eto medyo may lagnat at sobrang sipon. singhot ng singhot. nakaka irita na pero wla akong magagawa. eto na nman feeling writer na ang labo ng ideas na pinagsasabi. eto na lang iisipin ko. malabo man ang mga ideas ko, ok na rin at nailalabas ko.. yun na nga lang siguro.

yun... kahapon bumili na kami ng DVD player sa Quiapo. though iba yung brand nya na US made "daw" sabi nung may-ari ng tindahan, parang wala ring pinagkaiba sa fake na DVD players. pero simple lang siya at parang classic ang design na iisipin mo VHS player. ikot-ikot sa Quiapo. bago pa pala nag-ikot2x, siyempre daan muna Simbahan. wla lang. after nung camp sa Fairview, parang bumabalik prayertime ko. siguro yun na nga yung tipong dumami yung aalagaan at ipagdarasal ko. lalung-lalo na nga si Topher. kasi umalis siya after nung baptism at pumunta sa battle of the bands. pinayagan siya ni tita Mameng kasi sinundo naman siya ng parent ng isang participant kasama pa yung isang participant. kaya ok lang daw sabi ni tita Mameng. then next day came nga. si Ayah lang yung bumalik at hindi bumalik si Topher. may feeling ako na partly responsible ako sa nangyari kasi nga ako yung nag-faci sa kanya. siguro hindi siya nasiyahan or what sa mga ginagawa kaya yun, di na siya bumalik. then napaisip nga ako sa txt ni Aries na ginawa ko naman talaga ang lahat. and yung sinabi rin ni Lery na bata pa nga siguro..naalala ko lang tuloy yung nag closing kami ng 1 to 1 session namin... siya yung pinag-lead ko na prayer. medyo pinilit ko and yun nga pumayag din siya. ang astig lang ng prayer niya. bago pa siya nagstart nagtanong na siya kung paano sisimulan sabi ko kahit ano lang ang sabihin mo sa Kanya. then tulungan ko na lang daw sa sa pagtapos. yun na nga. hindi ko inasahan na hindi niya minadali at direct to the point na tulad ng palagi kong ginagawa. isa lang siguro yun sa mga highlights ng camp para sa akin. actually dami ko nga realizations... isa na siguro yung though magkaiba yung program or whatever you call it ng pinagsisilbihan namin, pare-pareho pa ring astig at lupet mag-serve. dati nga iniisip ko sa mga taga-community na palaging pampered at spoiled kasi palagi nandyan and couple coordinators di tulad ng sa campus. pero hindi rin pala basta-basta sa community. kita ko talaga hirap ni tita Mameng sa camp. isa pa nga yung medyo kinabahan na naman ako sa pag-conduct ng 1to1 session, at tingin pa ako ng tingin sa guide ko... sinabihan lang ako ni Lery na "nilalagay tayo ni God sa mga sitwasyon o mga lugar kung saan tayo mahina". yun.. napaisip nga ako. kasama si Karlo, Paolo at si Topher. Mahina talaga ako sa socializing ang gulat nga lang ako na dami ko ring nai-kwento sa mga bata at ganun din naman sila sa akin. dagdag na rin siguro ang realization na "always find the purpose, reason, meaning" ok eto na nga... nangyari na kinatatakutan ko.edit ko na lang siguro some other time. kaysa tuluyang mawala tong entry na 'to