Thursday, May 21, 2009

Sino nasa Batibot?




Tuesday, May 19, 2009

9 Million ang New Voters on May 2010 Elections! Kabilang ka ba dito?

Kung oo ang sagot, nakapag-rehistro ka na ba? Kung hindi pa, mag-parehistro na at maging bahagi ng malaking pagbabago sa Pilipinas sa taong 2010. Crucial ang susunod na eleksyon at malaking bahagi nito ang mga bagong botante at mga kabataang tulad mo.


Para malaman kung paano magparehistro, check mo na lang ang sumusunod na links:


at


at para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na nais makibahagi sa susunod na eleksyon,
check this youtube video.



Monday, May 11, 2009

Bagong Simula


Halos isang taon mula ngayon, mamimili na naman tayo ng mga bagong mamumuno sa ating bansa. At sana magmula ngayon, maging bagong simula ito para sa Pilipinas.


from http://www.youtube.com/user/sillynstubborn

Bagong Simula Lyrics

[Kevin Roy]
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan
[Yael Yuzon]
lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
[Mark Abaya]
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos

(CHORUS)Todo na to! Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Kitchie NAdal]
wag lang maulit kapalarang kay pait
wag magpabaya wag kang manahimik
wag kang manlalamang, wag kang manggigipit
wag magkanya-kanya, magkaisang bisig
[Yeng Constantino]
Pag malasakit ito’y kabayanihan
gawin mo ano mang makayanan
kalagayan ng baya’y sumasama lamang
kung walang gagawin tayong mamamayan

(Chorus)Todo na to! Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
[Placid]
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan

[Tugma]
[Narration]
Ipakita natin sa ating mga magulang
mga kapatid kaya natin to
isang subok pa, sabay sabay nawalang kokontra, todo na to

(CHORUS)Todo na to! Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan Bagong simula ng ating bayan