Walang Kwentang "Terminal"
Pauwi na kami nang magsimula ang badtrip. Nagpababa kami sa sinasabi nilang "Carmen Central Terminal". Isang "terminal" na kung saan dun lang "dapat" magsakay at magbaba ng pasahero ang mga pampublikong sasakyan. Ayos na din at sumunod kami sa patakaran para nga naman sa ikakaayos ng lugar. Ayun at antay kami ng aircon bus pa-Manila. May dumaan. Uy, pero sa main highway lang dumaan at hindi sa loob ng "terminal". Ok, sabay sabi ng guard duon na marami pa rin naman dadaan. Ok, sige antay. Nagsuggest na din si tatay na abangan ko sa labas ang bus kaya ayun nakakuha din ng oras to take some shots habang nagaantay. Then may dumaan nga, pinara ko ngunit hindi pa rin tumigil. Di na maganda ang nangyayari. May apat o lima pang dumaan na bus ngunit ni isa ay hindi pumasok ng terminal o tumigil man lang sa tapat ng terminal para magpasakay. OA na to! "terminal" pero wala aircon bus na pumapasok!?! what the...!?! Uminit na din ang ulo ni tatay kaya sinabi kong tanungin niya yung tao dun sa admin bldg ng "terminal". May lumabas na isa, kinausap niya pero pilit na umiwas. Hmm.. Bakit kaya?! Pilit niyang kinausap pero wala pa ring nangyari. Nabadtrip na din talaga ako. Naghinala na kami kaya siguro hindi pumapasok ang mga bus sa "terminal" na ito ay dahil bago makalabas ang bus, kailangan nilang magbayad sa exit. May kamahalan siguro. Sa dami ng bus na dumaan habang kami ay nagaantay, ni isa ay wala man lamang pumasok sa tinatawag nilang "terminal". Naglakad na lang kami ng ilang metro mula sa "terminal" at duon na lang nag-abang. Mabuti naman at may tumigil ding bus sa harap namin na tila nagmamadaling maisakay kami. Hay, Good Friday pa naman yun.