Durian, suha, crocodile farm, Philippine Eagle, Mt. Apo,. Ano pa ba? Ilan lamang ito sa mga bagay na kaagad mong maaalala kapag nabanggit ang Davao City.
Kung hindi ako nagkakamali, mahigit sa walong taon na nung huling nagkaroon ng ILC sa Mindanao. Doon pa yata yun sa Cagayan de Oro. Marahil ang ilan sa atin hindi pa YFC nun. May isang tito ngang nagsabi na 2 or 3 years ago pa talaga nag-ILC sa Davao. Pero dala ng mga takot at kaguluhan ng banta ng terorismo, sa ibang probinsya na lang ginanap ang mga nakalipas na ILC. Ngunit noong nakaraang April 7-9, 2006 – ang matagal nang hinintay na pagbabalik ng ILC sa Mindanao ay isa ng ganap na katotohanan.
Ito ang aking kwento ng pagpunta ko ng 13th Youth For Christ International Leaders Conference sa Davao City.
April 6, 2006 (Thursday)
Isang araw bago pa ang planadong araw ng pag-alis namin papunta ng Davao, wala pa ring kasiguraduhang makaka-alis kami. Hanggang sa naubos na rin ang iba naming tinanungan at humantong kami sa isang travel agency sa Cubao na nauna na rin naming pinuntahan. Papuntang Cagayan de Oro ang nakuha naming ticket. Magbibiyahe pa kami ng mahigit sa siyam na oras mula Cagayan de Oro hanggang Davao. Ayos na din basta makarating lang ng Davao. Mga alas diyes na ng gabi nang matapos ang pagkuha namin ng ticket sa travel agency. Cebu Pacific, Manila to Cagayan de Oro, 5am. Ilang oras na lang para magayos ng gamit. Wala ng tulugan ito.
April 7, 2006 (Friday)
Alas dose na ng hating gabi, hindi pa rin ako tapos sa pag aayos ng gamit na dadalhin ko papunta ng Davao. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na mag-eeroplano nga ako. Matagal-tagal na din nung una akong sumakay ng eroplano. At sa pagkakataong ito, sa Mindanao pa ako pupunta. Natapos ako ng pag-ayos pati na rin ng pagligo ng alas dos. Konting ayos na lang, text-text at tawag sa mga kaibigan bago umalis. Alas tres ng madaling araw ng umalis ako ng bahay. Handang-handa na sa ikalawang ILC ko. Nagkita kami ni Miko sa Brgy Hall dito sa amin at sabay na kami magtataxi papunta ng airport. Magkakasunod kami nila Bernard, Ace, Jonah at Ronnel na dumating sa airport. Nadun na rin pala sa airport ang iba pa naming mga kasama. Labinlima kaming lahat na magkakasama. Si sir TJ, Jaja, Cath, Mark, Riki, Kates, Jonah, Ruthie, Ronnel, Miko, Ace, Lery, Bernard, Upie at ako.
5am. Cebu Pacific Flight bound to Cagayan de Oro now boarding. Excited kaming lahat habang papasakay ng eroplano. Hindi ako sigurado kung anong type ng eroplano pero probably airbus yun. May 3 columns on both sides of the windows, and about 20 rows. Nagsimulang gumalaw ang eroplano. Isang kaibigan na nakaupo sa tabi ko was lucky to catch a picture of the sun rising from the clouds. Kitang-kita ko ang kalawakan ng dagat habang isang barko na tila isang maliit na tuldok ang bumabaybay dito. Makalipas ang ilang sandali, nagsabi ang kapitan ng eroplano na nasa ibabaw lng kami ng isla ng Bohol. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang nasa eroplano. Then after an hour siguro, nakalapag na rin ng Cagayan de Oro at nasa Mindanao na talaga ako. We ended up renting a van that will take us to Davao City in more than 8 hours. All the 15 of us together with our baggages was able to fit in one Toyota Escapade van. Di ko alam kung paano kami nagkasya lahat sa van. Sarap lang ng biyahe nami. Minu-minuto, iba’t-ibang tanawin ang makikita mo. Minsan, isang matarik na burol na may krus sa tuktok, sa ilang sandali pa, taniman ng pinya sa magkabilang tabi ng daan, bundok na tila walang katapusan at sa ilang sandali pa, lugar na parang Baguio sa malamig na klima na may mga bahay na tulad ng sa Baguio at mga pine trees pa. Dagdag pa dito ang sobra-sobra pa talaga sa Baguio ang paiko-ikot na mga daan. Dagdagan pa siguro ang papuntang Infanta, Quezon. Soundtrip, foodtrip lang kami sa buong biyahe. Maya-maya kulitan, maya-maya tulog naman ang lahat. Soundtrip, foodtrip. Hanggang sa may nakita kaming eskwelahan na may nakalagay na Davao City. Excited kaming lahat dahil sa haba ng biyahe, at long last, Davao City na. Nakakapagtaka lang na bakit parang wla pa rin kami sa kabihasnan. Lumipas pa ang isang oras, Davao City pa rin pero magkabilaang bulubundukin ang nakikita namin sa aming dinaraanan. Paglipas ng isa pang oras, eto mukhang city proper na. After a few turns, nakadating na rin ng Davao City National High School (DCNHS). ILC na! Naka-post na ang mga tarpaulin na kung saan nakalagay ang bagong logo ng YFC.
SI KRISTO, LAKAS NG KABATAAN.
Pagkatapos naming makuha ang mga ID kits naming kay Boris and Paskee, dumiretso kami sa Rizal Memorial Colleges (RMC) para iwan ang mga gamit namin. Konting ayos at handa, bumalik na kami sa DCNHS. Lakas ng Kabataan ang tema ng 13th ILC. Iniisip ko na parang radikal ang tema ng ILC ngayon. Ang astig lang na iba nga ang Lakas ng Kabataan na gustong ipahatid ng YFC through 100%PURE, YFC Missions, at lalo na ng GK Youth.
Dumating ang gabi at ginagather na ang mga YFC’s sa main stage. Nagsimula ng pumasok ang band at nagturo ngmga bagong kanta kasama na dito ang Follow You, Salvation is Here, Power and Majesty etc. Maya-maya pa ay nagsimulang pumasok ang mga youth heads mula sa kung saan-saan dala ang mga bandila ng bawat sector. Hindi ko man lang napansin na inilawan na pala ang buong stage. Kung gaano kasimple and stage kapag wala itong ilaw, ganun naman ito kalupet nang ilawan ito. Sa ilang sandali pa ay tinawag ang isang opisyal ng Davao upang basahin ang malugod na pagbati at pagtanggap ng alkalde ng lungsod ng Davao sa mga delegado ng ILC. Sa ilan pa ding sandali ay isang tito mula sa Davao City naman ang ipinakilala para opisyal ng buksan ang 13th YFC ILC sa Lungsod ng Davao. Ipinaramdam lang ng tito pati ng opisyal ng Davao kung gaano talaga ka-ligtas ang Davao City. Pagkatapos nito ay isa-isa ng nagpalabas ang mga rehiyon para sa pinakaaabangang praise parade. Di maitatangging talagang pinaghandaan ng mga kasali ang praise parade sa mga kasuotan, tugtog at mga sayaw. Bago pa man magpakitang gilas ang praise parade ng Metro Manila, hindi inaasahang umulan. Hindi naiwasang itigil muna ang programa sa lakas ng ulan. Kasama ang ibang delegates ng West-B, sumilong muna kami sa auditorium ng DCNHS. Tumigil din ang ulan at bumalik kami sa open field. Hindi man Metro Manila ang mayroong pinakamaraming delegado, kapansin-pansin pa din ang sigaw na “ONE MANILA LUPET!” habang sumasayaw ang dancers ng praise parade ng Metro Manila.
Makalipas pa ang ilang mga sandali, nagsimula na ang unang sesyon. Bagong Balita ang title na binigay ng malupet na si Kuya JQ. Simple lang naman ang gustong iparating ng sesyong ito. Gusto lang sabihin na tayo ang Bagong Balita. At bilang mga Bagong Balita, kailangan nating ibahagi pa ito sa iba pang tao. Sa sesyon ding ito binigyan ng parangal ang mga kabataang nagserve exceptionally. Kabilang nga sa tinaguriang mga Timothy Awardees na ito and isang taga- West-B din na si Carmen Lopez na Soc-Pol ng UST.
Dahil sa delay na nangyari sa pagbuhos ng ulan, inilipat sa sumunod na gabi ang finals ng inaabangang dance competition. Siyempre mula sa West-B ang representative ng Metro Manila sa dance competition. Natapos na ang gabi at bumalik na sa accommodations ng mga brothers sa RMC habang ang mga sisters naman ay dun na mismo sa DCNHS ang accommodations. Habang naglalakad kami ng kaibigan kong si Lery papunta ng RMC, nadaan kami sa isang kainan. Dala na rin ng gutom, naisipan naming kumain muna sandali. Habang palapit sa kainan, nakita namin nakaupo sa sidewalk sa tapat ang ilan sa mga clusterheads ng West-B na sina Lee, Mike, Edmund at Paolo. Nagaantay pla sila para kumain kaya sumabay na lang din kami. Antay lang din kami ng bagong sinaing kasi naubos na ang kanin nila. Habang naghahantay ay sinabihan kami ng ilang full time workers na dumiretso kami kaagad sa RMC pagkatapos kumain dahil may curfew ngang ipinapatupad sa Davao. Sa pagaantay nga din naming, nakapulot pa kami ng salitang Bisaya na gamay na ang ibig sabihin ay kaunti, na narinig ng mga kasama ko. Pinangalanan na nga nila ang kainan na gamay. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ng RMC at natulog na.
April 8, 2006 (Saturday)
Pagka-gising namin ay dumiretso kami agad ng DCNHS para sa morning worship. Dito ko unang naramdaman ang todong init ng Davao habang nasa worship. Pagkatapos ng worship ay dumiretso ako kasama ang ilang mga taga campus-based sa Brokenshire College para tumulong sa pag-aayos para sa Campus Conference. Ang lupet ng Brokenshire kasi iisipin mong nasa Baguio sa tarik. Sa ibaba nga ng matarik na burol ang venue ng Campus Conference. Pagkababa ay ipinakilala lng kami ni Kuya Santi sa iba pang mga Campus Based ng Davao. Inayos namin ang venue sa pagsalansan ng mga upuan, paglagay ng backdrop. Maya-maya pa ay naisipan na namin ni Bryan gawin ang mga bandana na may logo ng campus-based para ibenta. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang campus conference. Sumayaw din and Believe Dance Co. ng West-B ng sinayaw nila nung Campus year end party sa JRU. Hindi talaga nakakasawang panoorin sila sumayaw. Habang nasa CampusCon ay patuloy pa rin kami ni Tere sa pagprint ng logo ng campus-based sa bandana. Naubos lahat ng tinatakan naming bandana Pagkatapos ng Campus Conference ay nag-ayos kami at dumiretso na ng DCNHS para sa session 2.
Before we started the evening sessions, we had a worship who was led by no other than one of West-B’s sector head, Boris Suaberon. Sobrang blessed lang talaga ang ILC na to kasi hindi lang kami nung isang gabi inulan, kundi inulan ulit kami sa papatapos na worship ni Boris. At sa mga oras na ito, karamihan sa amin ay hindi pa nagpatinag sa lumalakas na ulan at nagpaiwan na lang sa ulan at patuloy na nagdasal kahit tapos na ang worship. Makalipas ang ilang sandali ay tumigil na ang ulan at naisipan lang din ng mga youth heads naming sila Pakz, Kates at Alex na magdasal. Natapos na nga ang ulan at nagpatuloy sa session 2 na may titulong Kontrobersyal na ibinahagi ni kuya Gelo. Masasabi kong makailang beses na rin sigurong napaalalahanan tayo sa mga kasablayan natin pero sa lahat ng ito kailangan talaga natin si Kristo na nagbibigay ng Lakas nating mga Kabataan. Agad naming sinundan ang session 2 ng session 3 ni Kuya Jepoy na may titulong Rated K. dinefine lang lalo sa sesyon na ito na ang pinag-ugatan ng lakas natin ay si Kristo.
April 9, 2006 (Sunday)
Natapos ang session 3 at nagtuloy-tuloy na ito sa finals ng band at dance competition. Sa kabila ng pagod, nabuhayan na naman ang Metro Manila lalung-lalo na ang West-B nang magpasiklab na ng talento sa pagsasayaw ang Believe Dance Co. ng West-B. “ONE MANILA LUPET!“ habang sumasayaw sila tulad ng sa praise parade. Salitan ang band at dance sa pag-perform. Kapansin-pansin lang din na karamihan sa mga nakapasok sa finals ng band competition ay mula sa iba’t-ibang rehiyon sa Mindanao. Matapos ang lahat ng competions ay nagtuloy-tuloy ito sa isang misa. Espesayal pa ang misa na ito dahil Palm Sunday pa nga. None other than Fr. Paul celebrated the mass. Pagkatapos ng misa, kahit pagod at inaantok, nakinig pa din ng session 3 na Lakas ng Kabataan ni Kuya Eric. Sinasabi lang na ang Lakas ng Kabataan ang magpapakita ng lakas at (majesty) ng Diyos sa isang makasalanang bansa. Dagdag pa dito na ang Lakas ng Kabataan ang Lakas ng Pagbabago bilang isang YFC, 100% PURE at Bayani ng GK Youth. Isang malupet na praisefest ang nagtapos ng ILC na kasama pa ang pag-announce ng susunod na venue ng ILC which is Bohol.
Natapos nga ang ILC ng pagod at inaantok pa kaya’t karamihan sa amin ay di inaksaya ang panahon para matulog halos buong umaga at maghapon. Dumating ang hapunan at naisipan naming maghanap ng murang makakainan. Hindi naman kami nabigo sa paghahanap dahil agad kaming nakakita ng kainang may pangalang Maq’s. For only P20, may isang piraso ng manok at isang cup ng rice ka na. Bumalik kami ng RMC at nagpahinga na.
April 10, 2006 (Monday)
Nagising ako ng walang inaasahan kung ano ang mangyayari sa araw na ito. May nagsabi lang na pupunta daw kami ng beach sa Samal Island. Sumakay pa kami ng bangka para lang makarating ng Samal. Pagdating ng Samal, ang dami lang din ng mga YFC’s na nandun. Ang lupet lang nang may nag-invite sa mga tao na magworship sa tabing dagat. Nakailang laro din kami habang nasa dagat. Ang ilan pa nga ay nagtabon ng buhangin sa tabing dagat. Lumipas ang tanghali at naisipan na naming bumalik sa city at duon na lang kumain. Duon pa rin kami sa Maq’s nag-tanghalian. Pagkatapos kumain, ang ilan sa mga kasamahan ko ay nagyayang mamili ng mga pasalubong. Tumuloy kami sa tinatawag nilang Bangkerohan, ang pinaka-palengke sa Lungsod ng Davao. Pagkatapos mamili ng suha, durian candies at langka, naisipan naman naming pupunta ng Aldevinco na kilalang bilihan ng mga souvenirs. Ilang t-shirts, keychains, bracelets, atbp ang mga nabili naming bago bumalik ng RMC para mag-ayos ng gamit dahil sa gabi ding iyon aalis ang barkong sasakyan naming pabalik ng Maynila.
Pagka-ayos ng mga gamit ay nag-antay na lang kami ng jeep na maghahatid sa amin sa pier. Excited na naman ako dahil pagkalipas ng ilang taon, ngayon lang ulit ako makakasakay ng barko at aabutin kami halos 3 araw sa aming paglalakbay. Nakarating kami ng pier at sumakay na nga Superferry 18. kakaiba itong barkong ito dahil may escalator sa loob, my souvenir shop, salon at convenience store pa. Sa ilang sandali pa ay umalis na ang barko sa Davao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-ikot sa loob ng barko kasama sila Kates, Marie at Ace. Pumunta kami sa pinakataas ng barko at nagpahangin sa ilalim ng liwanag ng buwan. Pagkatapos nito’y bumalik na kami sa higaan namin at nagpahinga na.
April 11, 2006 (Tuesday)
Kinabukasan ay dumating na din kami ng General Santos. Sayang nga lang at hindi kami nakababa at makatapak man lang ng GenSan. Nagtuloy-tuloy ang biyahe hanggang nang mag-gabi nang dumaan kami ng mga bandang Zamboanga. Kinagabihan din ay nagcelebrate ng 18th birthday ang isang Timothy Awardee na si Karla.
April 12, 2006 (Wednesday)
Around 9am ay nagmorning worship kami sa taas ng barko. Sa mga sandaling ito ay papasok na kami ng Ilo-Ilo at habang nagwoworship kami ay kapansin-pansin ang isla ng Guimaras sa gilid naming. Mula sa barko ay nakikita ko ang mga pamilyar na tanawin na natatandaan ko nung huli kong puntahan ang Ilo-Ilo para bisitahin ang ilang mga kamag-anak ng nanay ko. Naalala ko tuloy ang kinakainan namin ng La Paz Batchoy pati na ang mga kakaibang itsura ng mga jeep dito dahil sa kulay at hugis nito sa unahan. Sa pagdating naming ng Ilo-Ilo, hindi naming inaasahan na pwede pala kaming bumbaba di tulad dun sa Gen San. Pagkababa namin ay nag-ice scramble kami agad. Pagkatapos ay namili ng ilan pang pasaubong tulad ng piaya, otap, pinasugbo. Halos ala-una na rin ng umalis kami ng ilo-ilo. Dito na nga sa Ilo-Ilo bumaba ang mga YFC’s na taga-Visayas pati na rin ang sector heads ng West-B na sila Boris na taga Ilo-Ilo at si ate Giella na taga-Bacolod. Bago pa tuluyang lumubog ang araw, maswerte kami ni Ace pati na rin ng iba pang mga pasahero na pakitaan ng gilas ng mga tila naglalarong mga dolphins sa parteng Antique. Lumampas sa sampu ang bilang ng mga dolphin na nakita naming. Ang ilan sa kanila ay sumasabay sa andar sa gilid ng barko habang ang iba naman ay makailang ulit na tumalon. Dumaan din ang huling gabi namin sa barko at hindi na rin makapaghintay dahil kinabukasan ay Maynila na kami.
April 13, 2006 (Thursday)
Halos 6 ng umaga at ilang sandali na lang makakadaong na ng Maynila ang barko pero bago pa man mangyari yun, nag-last worship pa kami sa barko. At sa pagtatapos ng worship, halos padaong na din ang barko sa pier. Nakakalungkot mang isipin na magtatapos sa biyaheng ito ang kabuuan ng ILC Davao, pagbaba naman naming ng barko magsisimula ang pagbabahagi ng lahat ng natutunan naming sa ILC sa ibang tao.
Naalala ko lang ang pakiramdam nung una kong makapag-ILC sa Subic noong nakaraang taon. Though I was expecting something like what I’ve experienced in last year’s ILC in Subic, God just made me realized through a friend that there will always be something different and unique in every activity I will experience. Iba talaga ang ILC Davao!