Monday, April 25, 2005

inaantok na ako...

hindi ko naman talaga gusto ang makapagtrabhao sa malalaking kumpanya at magsuot ng long sleeves na may neck-tie at naka-slacks sa pagpasok sa araw-araw. pero minsan gusto ko rin ng trabaho na may malaking suweldo. sino ba naman ang hindi. gusto ko lang ang pumapasok sa trabaho ng naka-simpleng t-shirt at maong na pantalon, pero mas ok ang naka-short at tsinelas o sandals. dati pa naman, iniisip ko na makapag-trabaho sa isang Non-Government Organization. yung tipong social work talaga kaya nga Development Studies ang kinuha kong kurso nuon sa Ateneo. ang kaunti nga ng kumukuha ng kursong iyon. 19 nga lang kami sa block namin.siguro ay bago pa kasi ang kurso o kaya naman ay wala masyadong pera duon. pero karamihan rin naman sa mga blockmates ko nuon ay nagsabi na kailangan ang mga estudyanteng nagtapos sa kursong ito ng mga malalaking kumpanya. hindi ko alam kung bakit. basta ang alam ko, pagakatapos ko na kursong iyon, sa NGO ako magtratrabaho. pero, nakakalungkot mang isipin, hindi ko na matatapos ang kursong gusto ko dahil pinatalsik na ako sa hindi mag-abot sa required average. ok lang naman. hindi ko rin naman inisip na sa Ateneo ako mag-aaral ng college kasi hindi ako pumasa sa entrance test at ang alam ko ay UST ang tuloy ko kasi dun lang ang eskwelahang pinasa ko. naka-enroll na nga ako at may school at pe uniform pa. Asian Studies dapat ang course ko. inisip ko naman na makapagtrabaho ako sa ibang bansa sa kursong iyon. mas maganda nga kung makapgtrabaho sa japan. yun na nga. history happened. natanggap ang appeal ko sa Ateneo. Ngayon naman, hindi ko inaasahang sa UE ako mapupunta. basta ang alam ko, one hot summer day, pumunta kami ng nanay ko sa u-belt para maghanap ng lilipatan ko sakay ng bagung-bagong LRT2. UST ang una kaya nga lang, hindi sila tumatanggap ng transferee. FEU sana kaya lang hindi nila i-ke-credit ang mga units na nakuha ko na. Beda? may required average sa pag-transfer and too bad hindi umabot ang sa akin. CEU o Baste kaya? duon ako sana kaya lang dumiretso kami ng nanay ko sa UE. May kakilala kasi siya duon. Sociology dapat ang kursong kukunin ko kaya lang na-dissolve na daw ang course na yun kaunti lang ang kumukuha. *paano kaya kung may socio nuon at socio nga ang kinuha ko. sigurado ako na si mam peralta ang prof ko sa karamihan ng majors ko. (ok lang naman siyang prof kaya lang hindi ko kaya ang dalawang oras ng klase niya na napakadaming pinapagawa basta mas handa na ako sa susunod naming pagkikita.)and yun na nga. international studies na nga ang kinuha ko. international studies? ok lang. medyo related naman sa asian studies kaya nga alng mas broad or general. ok ‘tong course na ‘to. medyo interesado at gusto ko ang geography at ang nagpapahula dati ng mga kabisera ng mga bansa sa mundo. mahilig rin naman ako sa international news and gusto ko rin malaman ang tingin ng ibang bansa sa Pilipinas. Gusto ko rin naman matuto ng iba pang foreign language. medyo may alam na rin kasi sa French kasi French club ang org ko noong Grade 7. so why not? ok na sa akin ang international studies. ano na ngayon ang trabahong naghihintay sa akin kapag natapos ko ang kursong ito. sana sa ibang bansa. sa mga embahada ng Pilipinas abroad? maging ambassador? bakit naman hinde? hindi naman masama ang mangarap. sa United Nations kaya.. big time! eto na lang tutal libre naman ang mangarap. so makapagtrabaho sa United Nations bilang Secretary General. isang beses nga ay nakakwentuhan ko si jake beltran na presidente ng ISSO (internation studies student society) nalaman ko na gusto rin pala niyang makapgtrabaho sa UN. astig lang ang nasabi ko. nakwento rin niya ang tungkol kay kathryn (kung hindi ako nagkakamali ay siya ang unang IS na estudyante na nakilala ko) na hindi pa nga lang nakaka-graduate ay hinihintay na ng Lufthansa (national air carrier ng Germany. astig) mukhang nga malayo ang mararating ko sa kursong ito. naalala ko naman dati na naisipan ko ring maging seaman kasi sabi nila, puwede mong malibot ang mundo ng libre kapag nag-seaman ka. pero itong IS, ayos din. makakapangibang bayan din. then ngayon na nga, may kasama ako sa YFC, si joan, na tinutukso na mag-fulltime worker na lang daw ngayong nakapag-tapos na siya. at ito namang si bernard binaling minsan sa akin ang tukso na ako rin daw ay magiging fulltime worker. napaisip ako. ayos lang naman. parang volunteer work or social work sa isang NGO na gusto ko dati pa dagdagan pa ng service mo na rin kay God. astig lang. makapag-mission sa iba’t-ibang lugar. though hindi pa naman talaga buo ang plano ko sa hinaharap, isa nga sa mga opsyon ko ang maging fulltime worker. SEND ME. isa sa mga vision ngayon ng YFC na makapagtatag pa ng YFC sa ibang bansa. pwede nga siguro. bilang IS student dagdag pa ang mag-evangelize sa iba pang bansa. bakit hindi? malay natin. bahala na. basta bahala na Siya. Your will be done Lord, Your will be done Lord. sa kasalukuyan, sa edad kong 20, naiisip-isip ko na rin ang makapag-hanap ng sariling trabaho. medyo… hindi pala medyo…basta nahihiya na rin ako sa mga magulang ko sa pag-gastos nila sa dami ng taon inilaan ko sa pag-aaral. para maka-luwag-luwag rin kahit kaunti. hindi ko rin naman inaasahan na makaka-graduate ako sa 2007 dahil napa-isip na rin ako sa sinabi ni Peeh na wag ko madaliin ang pag-aaral ko. siugro yun na nga, magtrabaho habang nag-aaral at kahit tumagal pa ang pag-aaral basta may ginagawa akong extra sa pag-tratrabaho. tipong dagdag luho. eto nga sa april 28-30, 2005 ay may gagawing job fair sa megamall. gusto ko sana subukan kung pwede o meron. hindi naman siguro sa nagyayabang…pero sa tingin ko mas angat pa rin ako kaysa sa ibang mga bagong graduate kahit na undergrad pa ako dahil na rin sa 13 yrs na edukasyon na nakuha ko mula sa Ateneo. sana nga makatulong. tingnan na lang natin.

and I would give the world to tell Your story,
cause I know that You’ve called me, I know that You’ve called me

Tuesday, April 19, 2005

waaaah dami na nangyari..........

long time no write.....

ang dami nang nangyari. hinde ko alam kung paano sisimulan. sobrang dami na talaga. magmula nung holy week na pumunta ako ng pampanga at napunta pa ng bataan. tapos within a week, halos araw-araw wala sa bahay. tapos lat week lang galing ng subic dahil sa ilc. then nung pag-uwi galing sa ilc dumaan sa angeles at kumain ng sobrang sarap na sisig. sobra.... at eto ako ngayon nag-summer class. at mukhang itutuloy ko na ang pag-drop sa SO203... kasi...dami ko rin natutunan nang bumili kami ng digicam. astig...may kasamang installer ng pang-edit ng video. yun medyo amy alam na rin. gumawa nga actually ng video montage para kay bernard. astig ...parang hindi ako masyado marunong mag-type.hehehe. wla lang... labo talaga.

eto na lang link ng online photo album
http://pg.photos.yahoo.com/ph/jglaz_184/my_photos