Monday, March 23, 2009

Boycott Boyet Fajardo RTW Labels

Habang nag-iinternet kaninang madaling araw, nadaan ako sa blog ni Fjordz at nagulat sa iskandalong ginawa ng isang "sikat" na fashion designer. Eto ang video ng isang CCTV camera na nakuha ang kabuuan ng nangyari. 




Mahigit isang linggo na pa lang nangyari ito subalit ni minsan wala man lang akong narinig sa radyo, nabasa sa dyaryo at napanuod sa tv tungkol sa pangyayaring ito. Hmmm, marami siguradong kalapit na kilala sa media. Salamat sa internet at sa mga bloggers na nagbabalita ng mga isyung hindi "maipalabas" ng media. Kung gusto mong makatulong sa trabahong hindi magawa ng media, pakipasa ang balitang ito. Salamat.